Miyerkules, Enero 22, 2014

Mga Repleksyon

1/13/14
Lunes
Bisang Pangkaisipan
  Tinalakay ang tulang " Ang Pamana " kasabay nito ay may ilang katanungan din ang aming binigyan ng kasagutan.
1/14/14
Martes
Bisang Pangkaisipan
  Sa pagpapatuloy ng aming talakayan ukol sa tulang nabangit, ngayon ay binigyan na namin ng kahulugan ang bawat linya upang makuha ng mensahe nito.
1/15/14
Miyerkules
Bisang Pangkaisipan
  Isang kantang alay sa isang ina ang hinalimbawa na may kaugnayan sa tula " Ugoy ng Duyan ".
1/16/14
Huwebes
Bisang Pangkaisipan
  Ngayong araw nagpag-alaman na ang tunay na mensahe ng tula.Ang ang ating mga ina ay napakahalagang sangkap sa ating kabuoan. Tsaka na lamang natin makikita ang kanilang kahalagahan kung kaylan huli na ang lahat, kung kailang wala na sila.
1/17/14
Biyernes
Bisang Pangkaisipan
  Bilang aplikasyon sa aning napag-aralan kami ay inatasang gumawa ng isang tula na may malayang tema, ngunit may sukat at tugma.
1/20/14
Lunes
Bisang Pangkaisipan
  Kaugnay sa tulang " Ang Pamana " kami ay inatasang gumawa ng isang liham para sa aming mga magulang . Matapos ito ay  binigyan kami ng takdang aralin na magkaroon at basahin ang kopya ng akdang " Ang Kalupi ".
1/21/14
Martes
Bisang Pangkaisipan
  Tinalakay nami ang akdang " Ang Kalupi ", at upang mas maunawaan namin ang kabuoan nito kami ay binigyan ng pangkatang gawain.
1/22/14
Miyerkules
Bisang Pangkaisipan
  Binigyang pansin ang mensaheng napapaloob sa akda na wag basta basta manghuhusga ng kahit na sino dahil di mo panaman alam kung siya talaga ang nagkasala saiyo.

Ang Pamana Ni Jose Corazon de Jesus


Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw 
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan. 
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan 
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan; 
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay 
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay, 
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan, 
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay 
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.” 

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha 
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa, 
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha 
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa; 
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at 
sa halip na magalak sa pamanang mapapala, 
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita 
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata 
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika. 

”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin 
at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin, 
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin 
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?” 
”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala 
Mabuti nang malaman mo ang habilin? 
Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming 
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.” 

“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan 
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan 
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang 
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw 
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay 
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay? 
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman 
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan 
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”

Ang Kalupi ni Benjamin P. Pascual

Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barungbarong. Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakikintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang manipis at maputlang labi, bahagyang pasok sa pagkakalat, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na. Ang pagkakaroon ng isang anak na nagtapos ng high school ay hindi na isang maliit na bagay sa isang mahirap na gaya niya, naiisip niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuotang puting-puti , kipkip ang ilang libro at nakangiti, patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng mamanuganging may sinabi rin naman. Nasa daan na siya ay para pa niyang naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot nitong isinusukat sa harap ng salamin ang nagbuburdahang puting damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli. 

Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ng isang pangnang sisidlan ng kanyang pamimilhing uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang bayan sa Tundo, ay mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwang araw ito at kailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili siyang ng isang matabang manok, isang kilong baboy, gulay na panahog at dalawang piling na saging. Bibili rin siya ng grabansos. Gusto-gusto ng kanyang magtatapos na anak ang minatamis na grabansos. 

Mag-iikasiyam na nang dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na niya ang di magkamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangos na pagkanta pang isinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang salit-salitang tawaran ng mga mamimili. 

Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Sa harapan niya piniling magdaan. Ang lugar ng magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng mantika. Nang dumating siya sa gitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok, ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, at ang kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang dibdib. “Ano ka ba?” ang bulyaw ni Aling Marta. “Kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!”

Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang - lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hanggang pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap. 

“Pasensiya na kayo, Ale’ ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos. Tigbebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. “Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.” 

“Pasensya!” – sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang –ingat mo’y pagpapasensiyahan nang pagpapasensyahan ay makakapatay ka ng tao.” 

Agad siyang tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok. Paano’t pano man, naisip niya, ay ako ang huling nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong nagawan ng di mabuti ay sa kanyang pa manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip kung may iba pang nakakita sa nangyari. Marahas ang kanyang pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siyang nagdaraan na nakarinig ng kanyang mga sinabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng ilang kartong mantika. 


“Tumaba yata kayo, Aling Gondang, “ ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na siya niyang nakaugaliang bilhan. Nakangiti siya at ang babae ay ngumiti rin. 

“Tila nga ho, “ ani Aling Gondang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.” 

Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Saglit na nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis niayng niyang labi ay nawala. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ng kanyang anyo. 

“Bakit ho? anito. 


“E . . . e, nawawala ho ang aking pitaka, “ wala sa loob na sagot ni Aling Marta. 

“Ku, e magkano ho naman ang laman?” ang tanong ng babae. 

Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi. Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit ang di pa ma’y nakikiramay ang tonong nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihing, “E, sandaan at sampung piso ho.” 

Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod at patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon nakalalayo; may ilang sandali pa lamang ang nakaraan, ang tabas ng mukha, ang mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang malilliit at ng mangilan-ngilang namimili at ang batang panakaw na nagtitinda ng gulay, ay nagpalingan-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilao ng gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa gawing dulo ng pusisyon na di kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng mga pulis, ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaring magkamali: ang wakwak na kamiseta nito at ang mahabang panahon na ari’y salawal ding ginagamit ng kanyang ama, ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling makilala. At ang hawak nitong bangos na tigbebente. 

Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig. “Nakita rin kita!” ang sAbi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot sa pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!” 

Tiyakan ang kanyang pagkakasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aapuhap ng isasagot ay masukol niyang buong-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot: 

“Ano hong pitaka? “ ang sabi. Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.“ 

“Ano wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumudukot ng pitaka ko at wala ng iba. Kunwa pa’y binangga mo ‘ko, ano ha ? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke!” 


Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaeng namimili. Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawak sa liig ng bata at ito’y pilit na iniharap sa karamihan. 

“Aba, kangina ba namang pumasok ako sa palengke e banggain ako, “ang sabi niya. “Nang magbabayad ako ng pinamili ko’t kapain ko ang bulsa ko e wala nang laman!” 

“Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo, “sabing nakalabi ng isang babaing nakikinig. “Talagang dito ho sa palengke’y maraming naglilipanang batang gaya niyan.” 

“Tena, “ang sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.” 

“Bakit ho, saan ninyo ako dadalhin?” 

“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta at pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay kita sa pulis. Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.” 

Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawahing – kamay ang pag-alis ng mabutong daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pakakasakal sa kanyang liig. May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at nang ito ay malapit na ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong. “Nasiguro ko hong siya dahil sa nang ako’y kanyang banggain, e, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa, “patapos niyang pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino kaagad pagkat ako’y nagmamadali.” 



Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot nito at ang nagmamapa-sa duming katawan, pagkatapos ay patiyad na naupo sa harap nito at sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiyak, ay lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi, diyes sentimos na papel at ang tigbebenteng bangos. 

“Natitiyak ho ba ninyong siya ang dumukot ng inyong pitaka? “ang tanong ng pulis kay Aling Marta.

“Siya ho at wala ng iba,” ang sagot ni Aling Marta. 

“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aleng ito?” mabalasik na tanong ng pulis sa bata. “Magsabi ka ng totoo, kung di ay dadalhin kita.” 

“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya, “sisiguk-sigok na sagot ng bata. “Maski kapkapan ninyo ‘ko nang kapkapan e wala kayong makukuha sa akin. Hindi ho ako mandurukot. 

“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin naming sa iyo kung ang pitaka ko e naipasa mo na sa kapuwa mo mandurukot! O, ano, hindi ba ganon kayong mga tekas kung lumakad …. dala-dalawa, tatlu-tatlo! Ku, ang mabuti ho yata, mamang pulis, e ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon matulong matakot iyan at magsabi ng totoo.” 

Tumindig ang pulis,” Hindi ho natin karaka-rakang madadala ito ng walang evidencia. Kinakailangang kahit paano’y magkaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang dumukot ng inyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?” 

“E, ano pang ebidensya ang hinahanap mo? ang sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang pamumupo. “Sinabi nang binangga akong sadya, at naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa. Ano pa? Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng dapat niyang gawain, maya’y maling naupo at dumukot ng isang lapis at isang mallit na kuwaderno sa kanyang bulsa. 

“Ano ang pangalan mo? ang tanong niya sa bata. 

“Andres Reyes po.” 

“Saan ka nakatira? ang muling tanong ng pulis. Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa– isa ang mga mukhang nakatunghay sa kanya. “Wala ho kaming bahay,” ang sagot. ” Ang tatay ko ho e may sakit at kami ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiyang Ines ko nakatira, sa Blumentritt, kung minsan naman ho e sa mga ko sa Kiyapo at kung minsan e sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inutusan nga lang ho niya ‘kong bumili ng ulam para mamayang tanghali. 

“Samakatuwid ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tundo?” ang tanong ng pulis. 

“Oho, “ang sagot ng bata, “pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa e.” 


Ang walang kaawa awang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay makabagot sa kanyang pandinig; sa palagay ba niya ay para silang walang mararating; sa palagay ba niya ay para silang walang mararating. Lumalaon ay dumarami ang tao sa kanilang paligid at ang pulis na umiusig ay tila siyang –siya sa kanyang pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis. 

“Ang mabuti ho yata e dalhin na natin iyan kung dadalhin, “ ang sabi niya.”Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito ay wala namang nangyayari. Kung hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.’ 

“Hirap sa inyo ay sabad kayo ng sabad , e” sabi ng pulis. “Buweno , kung gusto n’yong dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel . Doon sabihin ang gusto ninyong sabihin at doon n’yo gawain ang gusto n’ong gawain.” 

Inakbayan niya ang bata at inilakad na patungo sa outpost, kasunod ang hindi umiiyak na si Aling Marta at ang isang hugos na tao na ang ilan ay pangiti-ngiti habang silang tatlo ay minamasdan. Sa harap ng outpost ay huminto ang pulis. 

“Maghintay kayo rito sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili, “ ang sabi sa kanya at pumasok . Naiwan siya sa harap ng bata, at ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro ng payat na mga daliri ang ulo ng tangang bangos. Luminga-linga siya. Tanghali na; ilan-ilan na lamang ang nakikita niyang pumasok sa palengke. Iniisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan niyang ipaghintay bago siya makauwi; dalawa, tatlo o maaaring sa hapon na. Naalala niya ang kanyang anak sa dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa paghihintay; at para niyang narinig ang sasabihin nito kung siya’y darating na walang dala ano man, walang dala at walang pera. Nagsiklab ang poot sa kanya sa kangina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong sumalak sa kanyang ulo; mandi’y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinawakan niya ito sa isang bisig, at sa pagdidilim ng kanyang paningin ay pabalinghat niyang pinilit sa likod nito. 


“Tinamaan ka ng lintek na bata ka! Ang sabi niyang pinanginginigan ng laman. “Kung walang binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, ako ang gagawa ng ikaaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan/ Saan? 

Napahiyaw ang bata sa sakit; ang biig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod. Ang mga nanonood ay parang nangangapatdan ng dila upang makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang kamay at nang mailapit sa kanyang bibig ay buong pangigil na kinagat. 


Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matitisgas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, ng siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalaala niya ang kalayaan, kay Aling Marta at sa dumaakip na pulis, at siya ay humahanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingun-lingon na tumakbo, patungo sa ibayo nang maluwag na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang nagbubuhat sa humahabol na si Aling Marta, at ang sigaw ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya ng umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng ilang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong paligid at sa pagmumulat na muli ng kanyang paningin, sa pagbabalik ng kanyang ulirat, ay wala siyang nakita kundi ang madaliin ang anino ng kanyang mukhang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan. 

Hindi umimik si Aling Marta habang minamasdan ang bata Maputla ang kulay ng kanyang mukha at aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malanig na pawis ang gumigiti sa kanyang noo at ang tuhod niya ay parang nangangalog. Hindi siya makapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya ay sa kanya nakatuon ang paningin ng lahat at siyang binubutan ng sisi. Bakit ba ako nanganganino sa kanila? Pinipilit niyang usalin sa sarili. Ginawa ko lamang ang dapat gawin ninuman at nalalaman ng lahat na ang nangyayaring ito’y pagbabayad lamang ng bata Sa kanyang nagawang kasalanan. 

Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay napagtulungan ng ilan na buhatin sa bangketa upang doon pagyamanin at ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng kanyang katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanin niyang kasuotan ay tuluyan nang nawalat sa kanyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis ay pamuling nagmulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang mukha ni Aling Marta. 

“Maski kapkapan niniyo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing paputul-putol na nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinuha ang inyong pitaka.”

May kung anong malamig ang naramdaman ni Aling Marta na gumapang sa kanyang katawan; ang bata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang sandali pa ay lumulungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailing. Patay na, naisaloob ni aling Marta sa kanyang sarili. 

“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanya. Nakatayo ito sa kanyang tabi at hawak naman ang kuwaderno at lapis. “Siguro’y Matutuwa na kayo niyan.” 

“Sa palagay kaya ninyo e may sasagutin ako sa nangyari?” ang tanong ni Aling Marta. 

“Wala naman, sa palagay ko,” Ang sagot ng pulis. “ Kung may mananagot niyan ay walang iba kundi ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang mananagot niyan , “ may himig pangungutya ang tinig ng pulis. 

“Makaaalis na po kayo?” tanong ni Aling Marta. 


“Maaari na”, sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailanang iwan ninyo sa akin ang inyong pangalan at direksiyon ng inyong bahay upang kung mangangailangan ng kaunting pag-aayos ay mahingan naming kayo ng ulat.” 

Ibinigay ni Aling Marta ang tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang tinging lumalayo sa karamihan . Para pa siyang naghihina at magulong-magulo ang kanyang isip; Sali-salimuot na alalahanin ang nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumakad siya ngayon na walang tiyak na patutunguhan. Naalala niya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat niyang iuuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga mata ng kanyang asawa sa sandaking malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon, magagalit, hanggang sa siya ay mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng mahahayap na pangungusap, sisihan, tungayawan, at ang mga anak niyang ga-graduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sila ay puntahan at payapain ng mga kapitbahay. 

Katakut-takot na gulo at kahihiyan, sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi sinasadya ay muling nadako ang pinag-uugatang diwa sa banghay ng bata na natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat. 

Kung hindi sa tinamaan ng lintik na iyon ay hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya sa sarili. Kasi imbi, walang pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa taba ng iba. Mabuti nga sa kanya! 

Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaano’y makapag-uwi siya ng ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa ay malamig na ang kukote nito at saka niya sasabihin ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng madalas na sabihin nito, na ang lahat ay dahil sa malabis niyang paghahangad na makapagdala ng labis na salaping ipamimili, upang makapamburot at maipamata sa kapwa na hindi sila naghihirap. Ngunit ang lahat ay titiisin niya, hindi siya kikibo. Ililihim din niya ang nangyaring sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo; at kung sakali’t darating ang pulis na kukuha ng ulat ay lilihimin niya ito. At tungkol sa ulam mangungutang siya ng pera sa tindahan ni Aling Gondang at iyon ang kanyang ipamimili – nasabi niya rito na ang nawala niyang pera ay isang daan at sampung piso at halagang iyon ay napakalaki na upang ang lima o sampung ay ipagkait nito sa kanya bilang panakip. Hindi iyon makapahihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa manipis na labi ni aling Marta nang ipihit niya ang kanyang mga paa patungong pamilihan. 

Tanghali na nang siya ay umuwi. Sa daan pa lamang bago siya pumasok sa tarangkahan, ay natanaw na niya ang kanyang anak na dalaga na nakapamintana sa kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ay minamasdan, ngunit nang malapit na siya at nakita ang dala ay napangunot-noo, lumingon sa loob ng kabahayan at may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa. 

“Saan ka kumuhang ipinamili mo niyan, Nanay?” ang sabi ng kanyang anak na ga-graduate. 

“E… e,” hindi magkandatutong sagot ni Aling Marta. “Saan pa kundi sa aking pitaka.” 

Nagkatinginan ang mag-ama. 

“Ngunit, Marta,” ng sabi ng kanyang asawa , “Ang pitaka mo e naiwan mo! Kanginang bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka ba kumuha ng ipinamili mo niyan ?” 

Biglang –bigla, anaki’y kidlad na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito; Maski kapkapan ninyo ako, e wala kayong makukuha sa ‘kin. Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinangangapusan ng hininga at sa palagay ba niya ay umiikot ang buong paligid; at bago siya tuluyang mawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kanyang asawa’t anak, at ang papaliit at lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?

Biyernes, Enero 10, 2014

Mga repleksyon

1/6/14
Lunes
Bisang Pangkaisipan
Ngayong araw na ito kami ay nagsagawa ng pagbabalik tanaw sa mga kaganapang naganap sa amin sa taong 2013,nagkaroon din kami ng bahagian ng mga  bagay na nais naming baguhin at paunlarin sa taong kasalukuyan. 
1/7/14
Martes
Aming tinalakay ang mga uri ng tunggaliaan. Tunggaliang "tao sa tao", "tao sa sarili", at "tao sa lipunan".Ganon din ang mga simbolismo.
1/8/14
Miyurkeles
Sa araw na ito isang pagsusulit ang ibinigay sa amin na magsisilbing na ding aming gabay sa darating na lagumang pagsusulit na aming kukuhanin.
1/9/14
Huwebes
Sa araw na ito pormal ng sinimulan ang ikatlong markahang pagsusuli sa apat na asignatura, Filipino, English, Mapeh, at T.L.E.
1/10/14
Biyernes
Ipinagpatuloy nami ang aming pasusulit sa mga asignaturang Chemistry, Math, A.P, at Values Education.

"Christmas Vacation"

12/1/13
Ako ay nagpunta sa simbahan at ipinanalangin ko na maging maayos at payapa nawa ang aking pasko sa taong ito.
12/7/13
Ako kasama ng aking buong pamilya ay nagtungo sa parke at duon sa samasama kming kumaen.
12/8/13
Pagkatapos naming magsimba noong umaga ay nagtungo naman kami sa isang Tiange. Nagsaya kami at namili na rin ng mga damit naming pampasko.
12/14/13
Sa araw n ito naman ay namili kami ng mga pandekorsyong aming ilalagay sa aming tahanan.
12/15/13
Ngayon namin ikinabit ang aming mga nabiling pandekorasyon kahapon.
12/20/13
Pinag-usapan at pinag-planohan namin ang mga lugar na aming papasyalan sa darating na kapaskohan.
12/21/13
Namalenke kami ng mga panghanda sa darating na kapaskohan.
12/22/13
Nag ayos kami ngayon ng aming bahay.
12/23/13
Nagsimba kaming buong pamilya.
12/24/13
Ngayong araw kami ng aking pamilya ay abalang abala na sa paghahanda para sa darating na kapaskohan.
12/25/13
Sama-sama kaming nagsimba at namasyal ng aking mga kapamilya. Ipinagdiwang namin ang pasko ng puno ng ligaya.
12/26-28/13
Umuwe kami ng aking isang kapatid sa bahay ng aking lola.
12/29/13
Nagsimba ako at bumili ng mga pagkaen sa isang grocery store.
12/30/13
Isang paghahanda na naman ang aming isinagawa ngayong araw. Kami ng aking ina ay namalenke para sa nalalapit na pagdiriwang ng bagong taon.
12/31/13
Muli kaming naging abala sa paghahanda ng mga pagkaeng aming pagsasaluhan sa nalalapit na pagbubukas ng isang bagong taon.
1/1/14
Masaya ako sapagkat naidaos namin ang pagdiriwang ng Bagong Ton ng masaya at sama-sama.


Linggo, Enero 5, 2014

Mga Repleksyon


11/11/13

  Lunes
Bisang Pangkaisipan
Pinag-aralan ang kwento ng Mabangis na Lungsod, kung saan pinalitaw dito ang aral na hindi natin dapat apihin ang mga mahihina bagkus sila'y tulungan, sapagkat masama ang mang api ng kapwa.
11/12/13
  Martes
Bisang Pangkaisipan
Sa araw namang ito sinagutan at tinalakay ang mga pariralang ginamit sa akdang Mabangis na Lungsod .
11/13/13
  Miyerkules
Bisang Pangkaisipan
Muling tinalakay ang mga pahiwatig sa akdang nabangit , tulad nah lamang ng " Hindi na naramdaman ni Adong ang kabangisan at kapayapaang biglabg kumandong sa kaniya " ito ay nangangahulugang habang sinasaktan siya ni Bruno ay nawalan siya ng malay.
11/14/13
  Huwebes
Bisang Pangkaisipan
Nakatuon ang aming pag-aaral sa teoryang nakapaloob sa akdang Mabangis na Lungsod. Teoryang realismo ang lumitaw sa akdang ito kung saan itoy nangangahulugang  ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan.11/15/13  BiyernesBisang Pangkaisipan Muling pinagtuonan ng pansin ang akda kung saan nagkaroon ng pangkatang gawain nguti sa kakapusan ng oras hindi ito natapos.
11/18/13
  Lunes
Bisang Pangkaisipan
Ipinagpatuloy sa araw na ito ang mga talakayang hindi natapos noong nkaraang biyernes  11/19/13
  Martes
Bisang Pangkaisipan
Ngayon, ang pokus ng aming talakayan ay ang akdang Tata Selo, kung saan itoy patungkol sa sa isang matanda na hinangad lamang na makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang kanyang asawa. Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila pero dahil sa kawalan ng pera hindi  na ito napabalik sa kanila kaya nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano na sya na lang ang magsaka sa kanyang lupa. Hanggang isang araw na habang nagsasaka si Tata Selo kinausap sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa dahil may iba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi sya pinakinggan ni Kabesa Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa Tano na syang ikinamatay nito. Kaya nakulong si Tata Selo.
 11/20/13
  Miyerkules
Bisang Pangkaisipan
Ipinagpatuloy ang talakayan at nagkaroon ng pangkatang gawain.
11/21/13
  Huwebes
Bisang Pangkaisipan
Bilang pagpapatuloy sa pagtalakay sa akdang nabangit. Tinalakay ngayon ang teoryang nakapaloob rito.Teoryang Sosyolismo .Ang teorayng sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. ang akda rin ay nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan. Sa kwentong "TATA SELO" ni Rogelio sikat ay masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan. ang pang aapi sa mga mahihirap at pagturing dito na mababang uri.
11/22/13
  Biyernes
Bisang Pangkaisipan 
Tinalakay pa ang ibang mga teoryang nkapaloob dito.
11/25/13
  Lunes
Bisang Pangkaisipan
Tinalakay ang akdang Sinag sa Karimlan.
Buod :
Sa isang pagamutan ng pambansang bilangguan sa Muntinlupa ay makikita ang apat na lalaking may kanya-kanyang karamdaman. Isa sa nasa pagamutan na iyon si Bok. Si Bok ay dalawampu't siyam na taong gulang na labas masok na lamang sa bilangguan. Si Doming na nagkaroon ng kasintahan na maganda ay inagaw ng kanyang kaibigan. Si Mang Ernan naman na isang manunulat, isa ring propesor sa isang unibersidad sa maynilaat nagging kasapirin sa iba't ibang samahan. Siya ay apatnapu't limang taong gulang at nakapangasawa sa isa sa mga magaling tumugtog ng piyano. Sa tagal nilang nagsama ay hindi sila pinalad magkaroon ng anak. Isa sa kanyang kasamahan sa bilangguan ay si Tony. Si Tony ang pinakabatang bilanggo sa bilibid na may angking talino. Bata pa lang si Tony nang iwan sya ng kanyang ama. Tanging ina lang at kapatid niya ang kanyang kasama. Si Tony ay nakapagtapos sa elementary at nagging balediktoryan. Dahil sa kahirapan natuto siyang magnakaw at mandukot. Kaya't iyon ang naging dahilan kung bakit kinamumuhian niya ang kanayang ama at itinuring na patay na ito. Sa loob ng bilangguan ay doon rin niya nakilala ang isang pari, si Padre Abene. Si Padre Abena ang gusting umampon kay Tony at gusto rin niyang pag-aralin ito. Hindi lang si Padre Abena ang gusting tumulong kay Tony maging si Mang Ernan na kasama niya rin sa bilibid.
Nagkakasayahan sila sa isang panig ng bilangguan. Isang tanod ang dumating at sinabing may dalaw si Tony. Hindi niyang inaasahang may dadalaw sa kanya sa mahabang panahon inisp niya na imposible ito. Ngunit hindi inaasahang ang dadalaw pala sa kanya ay ang kanyang ama. Nang magkaharap ang mag-ama, ang kanyang ama ay hindi niya ito tinanggap. Sinabi niya walang kapatawaran ang pag-iwan at pagpalit nito sa babae ng kanilang pamilya.
Nalaman nila Padre Abena, mang Ernan, iba pang kasamahan at isang nars na Bb. Reyas ang ginawa ni Tony sa kanyang ama. Pinangaralan nila si Tony kung gaano kahalaga ang isang ama. Nang dumalaw muli ang kanyang ama, pinatawad na niya ito at maging ang kanyang ina ay tuluyang gumaling at napatawad pa rin ang asawa. Muling nabuo ang kanilang pamilya.
11/26/13
  Martes
Bisang Pangkaisipan
Tinalakay at inilarawan ang mga katangiang nkapaloob sa akdang ito.
11/27/13
  Miyerkules
Bisang Pangkaisipan
Binigyan kami ng pangkatang gawaing patungkol sa akdang aming tinatalakay.
11/28/13
  Huwebes
Bisang Pangkaisipan
Pinag-aralan namin kung anong uri ng dula ang akdang Sinag sa Karimlan. Ito ay uri ng Dulang Pansuliranin.
11/29/13  
Bisang Pangkaisipan
Tinalakay ang teoryang nkapaloob sa akdang banyaga .
12/5/13
  Huwebes
Bisang Pangkaisipan
Tinalakay ang katangian ng mga kababaihan kung saan ito ay nagpapakita ng pagka femenismo.
12/6/13
  Biyernes
Bisang Pangkaisipan
Tinapos na ang pagtalakay sa akdang banyaga.
12/9/13
  Lunes
Bisang Pangkaisipan
Sinagutan namin ang mga katanungang may kaugnayan sa akdang Kinagisnang Balon.
12/10/13
  Martes
Bisang Pangkaisipan
Binigyang pansin ang pagtalakay sa akdang Kinagisnang Balon.
12/11/13
  Miyerkules
Bisang Pangkaisipan
Ipinagpatuloy ang pagtalakay sa akda.
12/12/13
  Huwebes
Bisang Pangkaisipan
Isang pangkatang gawain ang iniatas sa amin tungkol s ateoryang nkapaloob sa adang Kinagisnang Balon.
12/13/13
  Biyernes
Bisang Pangkaisipan
Inatasan kaming gumawa ng salaysay at sanaysay nah may kaugnayan sa akdang aming tinatalakay.


11/25/13
Biyernes
Bisang Pangkaisipan 
Tinalakay ang teoryang nkapaloob sa akda.12/2/13  LunesBisang PangkaisipanTinalakay ang kwentong " Banyaga "12/3/13 
   Martes
Bisang Pangkaisipan
Tinalakay ang mga inulit na mga pantig at mga letra sa akdang ito.12/4/13
  Miyerkules


Mga Tinipong Akda sa Filipino