12/1/13
Ako ay nagpunta sa simbahan at ipinanalangin ko na maging maayos at payapa nawa ang aking pasko sa taong ito.
12/7/13
Ako kasama ng aking buong pamilya ay nagtungo sa parke at duon sa samasama kming kumaen.
12/8/13
Pagkatapos naming magsimba noong umaga ay nagtungo naman kami sa isang Tiange. Nagsaya kami at namili na rin ng mga damit naming pampasko.
12/14/13
Sa araw n ito naman ay namili kami ng mga pandekorsyong aming ilalagay sa aming tahanan.
12/15/13
Ngayon namin ikinabit ang aming mga nabiling pandekorasyon kahapon.
12/20/13
Pinag-usapan at pinag-planohan namin ang mga lugar na aming papasyalan sa darating na kapaskohan.
12/21/13
Namalenke kami ng mga panghanda sa darating na kapaskohan.
12/22/13
Nag ayos kami ngayon ng aming bahay.
12/23/13
Nagsimba kaming buong pamilya.
12/24/13
Ngayong araw kami ng aking pamilya ay abalang abala na sa paghahanda para sa darating na kapaskohan.
12/25/13
Sama-sama kaming nagsimba at namasyal ng aking mga kapamilya. Ipinagdiwang namin ang pasko ng puno ng ligaya.
12/26-28/13
Umuwe kami ng aking isang kapatid sa bahay ng aking lola.
12/29/13
Nagsimba ako at bumili ng mga pagkaen sa isang grocery store.
12/30/13
Isang paghahanda na naman ang aming isinagawa ngayong araw. Kami ng aking ina ay namalenke para sa nalalapit na pagdiriwang ng bagong taon.
12/31/13
Muli kaming naging abala sa paghahanda ng mga pagkaeng aming pagsasaluhan sa nalalapit na pagbubukas ng isang bagong taon.
1/1/14
Masaya ako sapagkat naidaos namin ang pagdiriwang ng Bagong Ton ng masaya at sama-sama.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento